Milyones kontra sa cyber libel pakinggan

UMAABOT na sa 15 ang petisyon sa Supreme Court laban sa Cybercrime Prevention Act of 2012 o Republic Act (RA) 10175 o anti-cybercrime law.

Maliit man kung tingnan, malaki ang bilang na ito.

Milyones na katao kasi, mga Bro, ang dala-dala ng mga
ito sa pagkaka-file.

Milyones ang mga kabataang nasa Facebook at Twitter, gayundin ang mga may cellphone na kasali sa mga bibiktimahin ng nasabing batas.

Milyon din ang bilang ng mediamen at kanilang mga pamilya na direktang matatamaan ng bangis ng batas.

Ang mga partylist na nag-file ng petisyon ay huwag balewalain dahil milyones din ang dala-dala nilang
kasama at supporter sa kanilang mga laban.

Huwag ding balewalain ang bilang ng tao na dala-dala ng iba pang mga petitioner.

Halimbawa ang milyones na bumoto kay Sen. TJ Guingona na kanyang inirepresent sa kanyang solo flight na laban noong una.

Paano rin ang mga naniniwala sa iba pang mga senador na may gustong baguhin sa pamamagitan ng amyenda o ganap na pagbalewala sa batas sa kanilang mga resolusyon sa mga araw na ito?

PAKINGGAN SILA

Sa deliberasyon ng Supreme Court ngayong araw ukol sa batas, kung hindi mapopospon, dapat nilang ikonsidera ang bilang ng mga taong interesado para sa pagbabago sa nasabing batas.

Sa pagbabagong nais na hilingin ng mga petitioner, may nagsusulong ng ganap na pagbuwag sa batas dahil labag umano sa Konstitusyon ito.

May naglalakad naman ng amyenda sa batas. Yun bang ===bahagi lang ng batas ang babaguhin, gaya ng laman ng batas na cyber libel.

May humihiling na ideklara itong labag sa Konstitusyon kaya dapat itong ibasura kaagad ng SC. May humihiling naman ng pagbabago lamang gaya ng pagbabawas sa mga bilang ng taon sa pagkakakulong, at halaga ng piyansa, danyos at multa.

Kung hindi magiging bingi, pipi at pilay ang mga Hukom sa Supreme Court at naniniwala silang “sovereignty resides in the people and all government powers emanate from them”, dapat nilang isama bilang gabay ang dami ng mamamayan na humihiling ng pagbuwag o pag-amyenda sa nasabing batas.

TRO AT INJUNCTION

Kung hindi naman, gabay rin nila ang mamamayan sa paglalagay ng mga aksyon na harangin muna ang pagpapatupad ng batas.

Hindi kalabisan ang paglalabas ng SC ng Temporary Restraining Order na ilang araw lamang ang bisa.

Gayundin ang pagpapatupad ng temporary injunction hanggang permanent injunction.

Sa mga aksyon na ito, uutusan ang lahat ng mga nagpapatupad ng batas, gaya ng Department of Justice, na tumigil sa pagpapatupad ng batas.

At kasama na rin dito ang pagpigil ng mga maisasampang kaso sa mga piskalya at iba pang hukuman na may hurisdiksyon sa mga kaso sa ilalim ng nasabing batas.

Isa sa mga dapat na antayin ng mga tagapagpatupad ang pinal na desisyon ng SC o kung hindi naman, isang pinal na bagong batas o pagbuwag ng Kongreso sa nasabing
batas.

LABAN SA ANTI-CYBERCRIME LAW

Uulitin natin na tutol o laban tayo, mga Bro, sa batas na ito, lalo na sa probisyon nito sa libelo.

Bahala na ang mga abogado kung paano nila patutunayan ang pagiging labag ng batas na ito sa 1987 Constitution, sa iba mga batas na umiiral sa bansa at sa mga batas ng United Nations.

Ang sa atin ay ang aplikasyon ng batas sa atin habang naghahayag tayo ng ating mga saloobin laban sa mga

opisyal at tauhan ng pamahalaan kaugnay ng mga gawain o

transaksyon nila na labag sa kanilang mga sinumpaang tungkulin, batas at Konstitusyon.

Kasong libelo karaniwan ang isinasampa laban sa atin upang tayo ay manahimik sa harap ng kanilang mga pagnanakaw sa kaban ng bayan at pang-aabuso sa tungkulin at kapangyarihan.

KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG

Ang kalayaan sa pamamahayag at pagsasalita, mga Bro, ang gustong sirain ng cyber libel.

Sa oras na magpahayag at magsalita tayo gamit ang computer, laptop, internet, cellphone at iba pang

katulad na paraan ng komunikasyon, cyber libel ang pampatahimik sa atin.

Paano, pupuwede tayong matakot na magpatuloy sa paghahayag at pagsasalita. Sa mga hindi matatakutin, ang hukuman ang panggagalingan ng kautusan na tumigil na
tayo sa kapapahayag at kasasalita.

Alam ba ninyo kung gaano katagal yan? Hanggang sa matapos ang kaso sa Supreme Court. 20 years plus?

Wala na at patay na si Chief Justice Ma. Lourdes sa katandaan at lahat ng mga hindi niya kasundong senior citizens sa SC Sereno, tigil pa rin ang ating paghahayag at pagsasalita.

KULONG SA NAKAPATAY

Bukod sa takot natin at pagpapatahimik sa atin ng hukuman, nais din tayong ikulong nang parang nakapatay
ng kapwa.

Karaniwang gamit ng mga nasa pamahalaan ang kanilang mga impluwensiya sa mga piskal, huwes at Hukom sa mga kasong kanilang isinasampa laban sa mediamen at iba pang naghahayag ng mga katotohanan at puna sa mga pgnanakaw
at pang-aabuso ng mga nasa gobyerno.

Dahil dito, kapag kinasuhan ka, malamang na mako-convict ka.

Paano ang mga nagla-like at nagsi-share na mga anak natin at iba pang miyembro ng pamilya na sumasang-ayon sa ating mga expose o simpleng pagbabalita ng mga kabulukan at pang-aabuso ng mga nasa pamahalaan?

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply