Mindanao uunlad na kay PNoy

KITANG-KITA na ang magandang bukas ng Mindanao dahil sa sinseridad ni Pangulong Noynoy Aquino na papatagin ang rehiyon sa lahat ng aspeto ng pag-unlad.

Ito ang nakikita nating positibong kaganapan matapos lagdaan ang peace agreement sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at pamahalaan na magbibigay daan naman sa pagtatatag ng Bangsamoro autonomous region na siyang papalit sa ARMM.

Hindi biro ang ipinakitang tulong ni PNoy sa ARMM na sa ilang panahon na lamang ay tatawagin na ring Bangsamoro dahil siya lamang talaga ang naging Pinuno ng bansa na nagmalasakit sa parteng ito ng Pilipinas.

Biyaya at tulong ang ibinigay at ibibigay pa ni Pangulong Noynoy sa ARMM o Bangsamoro at hindi bala o kaguluhan kaya’t marami talaga ang natutuwa sa mga aksyon at programa ng pamahalaan sa Mindanao.

Bilang patunay ay panibagong P21 bilyon na namang pangkaunlarang proyekto ang ilalagay ng gobyerno sa ARMM at dito natutuwa ang mga mamamayan ng lugar dahil nakikita nila sa proyekto ang biyayang galing sa pamahalaan.

Ilalaan ang naturang halaga para sa pagpapatayo ng paaralan, pangkuha o pampapasweldo sa mga bagong guro,pagpapagawa ng daan at tulay at posibleng pagpapatayo na rin ng paliparan sa Mindanao.

‘Yan ang investment ng makatotohanan at makikita ng tao dahil kung noon ay puro silid o kurakot ang ginagawa ng mga nanungkulan sa ARMM,  ngayon ay hindi na dahil magaling at tapat ang kasalukuyang pinuno nito na si Gov. Mujiv Hataman.

Sangkatutak na proyekto ang ginagawa at natapos na sa pamamagitan ni Hataman kaya’t kitang-kita naman ang pagsaludo ng ARMM people sa tapat na lingkod bayan.

Sa maikling salita,tama ang tandem nina PNoy at Hataman sa Mindanao partikular na sa ARMM area dahil pareho silang performer at reformer ng bayan.

Marami pang magagandang bagay ang magaganap sa ARMM o Bangsamoro kaya’t tayo nang samahan sina Pangulong Aquino at Hataman sa panibagong yugto ng Mindanao na siyang pinakaaantay ng mamamayan nito.

‘Yan ang tunay na daan sa kapayapaan ng Mindanao dahil proyekto at pagbabago lamang ang talagang solusyon para maging mapayapa ang naturang rehiyon ng bansa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply