Minsupala ang Bangsamoro

DATI ay Minsupala ang tawag ng mga Muslim sa lupang sa kanilang paniniwala ay kanila.

Minsupala ay ang Mindanao, Sulu at Palawan pero hindi ito maangkin physically ng mga Muslim dahil dumami nang dumami ang mga Christiano sa tatlong islang ito.

Naging minority ang mga Muslim at ang kanilang lupa na nilagyan ng titulo ng Kristiyanong gobyerno para sa mga Kristiyano. Nawalan ng lupa ang mga Muslim.

Ang mga Muslim ay tinawag na mga Moro na noon ay masamang salita. Hindi ito politically accepted ng mga Muslim noon.

Hanggang dumating ang Moro National Liberation Front MNLF) ng UP student na si Nur Misuari na nag-declare ng rebolusyon na nauwi sa maliit na Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Pumalag ang ibang mga rebelde at nagtayo sila ng splinter group na MILF o Moro Islamic National Liberation Front.

Matapos ang mahabang giyera ay nakipagkasundo sa gobyerno ang MILF upang magtayo ng legally speaking na Bangsa Moro o Moro Nation.

Sa kasalukuyang usapan ay gusto ng MILF na ang Palawan ay dapat na sakop din ng Bangsa Moro.

At siyempre, ang ultimate desire ng mga Muslim ay maangkin muli ang buong Mindanao.

Wala sa usapan ang Sabah.

Ito ay bilang paggalang sa Malaysia na ang turing sa Sabah ay isa lamang real estate property na ari ng sultan ng Sulu sa loob ng Malaysia.

Problema rin ang Palawan dahil ayon sa Malaysia, kanila ang mga Spratly Islands na inaangkin din ng China, Taiwan, Vietnam at Indonesia, among other claimants.

Hindi pa tapos ang liberation movement ng mga Muslim na Moro na ang tawag uli.

Historically, ang sabi ng China, Malaysia at iba pang mga etcetera etcetera, ay kanila ang Spratly Islands ng Palawan.

Pero historically speaking din, ang grupo ng mga isla na kasama rin ang Luzon at Visaya ay originally Muslims o Moros.

Si Rajah Lapu-Lapu of the Visayas ay Muslim.

Si Rajah Sulayman of Manila ay Muslim.

Pero dahil kumampi si Rajah Lakandula of Tondo sa mga Kastila ay natalo ang mga katutubo.

Kumampi si Raja Humabon ng Cebu kay Magellan at nang mapatay siya ni Lapu-Lapu ay nagresbak ang mga Kastila at nasakop ang buong Visaya at Luzon.

Paano matatapos ang giyerang ito?

Separate state ang gusto ng mga Moro dahil ang sabi nila ay sila ang legitimate owners of Minsupala.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply