Misamis Oriental, nakaalerto vs bombing incident

NAKAALERTO ngayon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa Misamis Oriental makaraan ang naganap na pagpapasabog sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay Vice Gov. Norris Babiera, Vice Chairman ng Provincial Peace and Order Council sa Misamis Oriental, matapos mangyari ang bombing incident sa Cagayan De Oro na kinamatay ng dalawang sibilyan, agad siyang nakigpulong kay Provincial Police Office Col. Rolando Hinanay upang gumawa ng hakbang laban sa nagpapasabog.

Bukod sa paghihigpit ng seguridad sa mga pantalan, simbahan at matataong lugar, nagpatupad din ng police visibility sa bawat police station at checkpoint sa entry at exit point sa buong Rehiyon 10.

Samantala, nilinaw din ni Babiera na kahit kailan walang natanggap na “threat” ang pulisya galing sa mga armadong grupo na may kaugnayan sa nangyaring pagbobomba.

Dahil dito, muling nanawagan si Babiera sa lahat na hindi basta-bastang mag-akusa hanggat hindi pa natapos ang imbestigasyon ng pulisya

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply