Misis binoga sa ulo, todas

PATAY ang isang ginang matapos barilin ng di nakilalang suspek habang nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan sa Sta.Ana, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Lourdes Hospital ang biktimang si Evelyn Arellano, 49, empleyado ng Stronghold Inc., residente ng 214-216 Hamsted Sorden, Ipil Building Sta.Mesa, Maynila.

Inilarawan naman ang suspek na nasa edad na 35, may taas 5’4-5’6, maitim, kulot ang buhok, nakasuot ng itim na t-shirt, short pants at tsinelas.

Sa report ni PO2 Crispino Ocampo ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong ala 9:20 ng gabi sa may kahabaan ng New Panaderos St.Sta.Ana, Maynila.

Nabatid na galing sa kanyang opisina sa Makati ang biktima at papauwi na ito sa Sta.Mesa sakay ng kanyang Urvan Nissan van may plakang XLM-963 na minamaneho ng kanyang driver na si Arnulfo Ibanez.

Pagsapit sa lugar habang nakatigil ang sasakyan ay lumapit ang suspek at walanag sabi-sabing pinaputukan ng dalawang beses sa ulo ang biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pagpaslang sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply