Misis tinarakan ng mister, tigbak

TODAS ang isang ginang makaraang saksakin ng kanyang mister sa Poblacion Alabel, Sarangani province.

Isang malalim na sugat sa dibdib ang tumapos sa biktima na si Mercedita Brillantes, 38, makaraang saksakin ito ng kanyang mister na si Angel Brillantes, may-ari ng isang punerarya sa naturang lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagtalo ang mag-asawa na humantong sa pananaksak ng suspek gamit ang patalim.

Naisugod pa sa St. Elizabeth Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Nadakip naman ng mga alagad ng Alabel-PNP ang suspek na sasampahan ng kasong parricide ng kanyang mga kamag-anak.

Nabatid na matagal nang may alitan ang mag-asawa at matagal na ring hindi nagsasama.

Nakarating na rin umano sa korte ang bangayan ng mag-asawa at nagkaroon na ng hatian sa kanilang mga ari-arian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply