Missing link sa titser na kinatay sa Capiz, inaalam

PINANINIWALAANG pinagsasasaksak muna hanggang sa malagutan ng hininga ang isang titser habang tumatakas sa kamay ng kanyang salarin bago nahulog ang kanyang minamanehong kotse sa palayan sa Capiz nitong Lunes ng hapon, Oktubre 22.

Sa ikinasang post mortem examination ng pulisya, lumabas na ang ikinamatay ng biktimang si Roque Diaz, 40, ng Bauilan Pontevedra, Capiz ay hindi sanhi ng pagkahulog ng kanyang sasakyan sa palayan kundi dahil sa mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Kinukumpirma pa ng pulisya ang impormasyon na bago naganap ang insidente ay may inihatid ang bikima na isa ring titser na hindi pa alam ang pagkakakilalan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nahulog ang sasakyan ng biktima alas-5:30 ng hapon sa isang palayan sa Barangay Tanza Sur,  sa Panay, Capiz.

Ayon sa mga kapwa tister ng biktima, bago ang insidente ay umalis si Diaz pasado 5 ng hapon sa kanilang eskuwelahan. Sakay ito sa kanyang Mitsubishi Lancer at kasama ang isang hindi nakikilalang titser na inihatid nito sa Barangay Milibili.

Pabalik na sana ito sa naturang eskuwelahan nang biglang mahulog ang kotseng minamenho sa palayan.

Sa pag-aakalang naaksidente lamang, iniahon ng awtoridad  sa palayan ang kotse ng biktima pero para mamangha lamang dahil nakitang tadtad ito ng saksak sa katawan.

Naisugod pa si Diaz sa Saint Anthony College Hospital ngunit binawian na ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Nangangalap na ngayon ang pulisya ng mga detalyeng mula sa paghatid ng biktima sa kapwa titser hanggang sa mahulog ang sasakyan nito sa palayan na masasabi at maituturing na missing link sa krimen.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply