Mister binoga sa ulo, kritikal

KRITIKAL ang isang mister matapos barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nakatambay sa labas ng bahay sa Navotas Martes ng madaling araw.

Inoobserbahan sa Pagamutan Lungsod ng Malabon si Bernald Donato, 45 ng Adelfa st., Tanza ng lungsod, sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw, nasa tapat ng kanilang bahay ang biktima nang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa PLM.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply