Mister inatake sa puso sa loob ng CR patay

PATAY ang isang mister nang atakehin sa puso sa loob ng banyo at bumaldog ang ulo sa lapag sa Navotas kaninang umaga.

Patay na nang makita si Alexander Reynoso, nasa hustong gulang ng Bagong Silang St., San Jose, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-10 ng umaga nang makitang nakahandusay ang biktima sa loob ng kanilang banyo sa nasabing lugar.

Nang lapitan ay nalamang patay na ang biktima dahilan upang itawag sa mga pulis.

Malaki ang paniwala ng pamilya ng biktima na walang foul play sa pagkamatay ng kanilang padre pamilya dahil may sakit ito sa puso.

Posibleng ang bukol sa ulo ay nakuha ng biktima nang atakehin sa puso at pagbagsak ay tumama ang ulo sa sahig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply