Mister itinumba sa harap ng misis, 3 anak

SA HARAP mismo ng misis at tatlong anak, pinagbabaril ng dalawang motorcycle-in-tandem ang isang padre de pamilya sa Quezon City Lunes ng gabi, (Oktubre 29).

Dead on arrival sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMC) si Generoso Cobarrubias, 31-anyos, tubong Cabanatuan, Nueva Ecija at residente ng Barangay Damayang Lagi, dahil sa tinamong tama ng bala sa puso.

Inilarawan naman ang dalawang suspek na kapwa nakasuot ng itim na jacket, naka-helmet at lulan sa isang walang plakang motorsiklo.

Sa imbestigasyon ni PO3 George Santiago, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa halos tapat lamang ng bahay ng biktima.

Bago ito, kasama ng biktima ang kanyang misis at tatlong anak na nag-withdraw sa Banco de Oro ATM machine na nasa tapat lamang ng kanilang bahay.

Patawid na ang pamilya Cobarrubias sa kalsada nang biglang dumating sa lugar ang mga suspek at agad itong pinagbabaril.

Teyorya naman ng CIDU, na may kaugnayan ang pagpatay kay Generoso sa pagpatay naman sa kapatid nitong si Jerry noong nakaraang Pebrero dahil magkapareho ang istilo ng pagpatay sa magkapatid.

Isa pa, may posibilidad din na ang ugat ng pagpatay sa magkapatid ay nagmula sa away sa kanilang probinsiya dahil kapwa sila biglang lumuwas ng Maynila nang walang kadahi-dahilan na maging ang misis ni Generoso ay nahihiwagaan sa kanilang biglang pagluwas sa Maynila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply