Mister kalaboso sa pananakit sa asawa, 3 anak tinangay

KALABOSO ang isang mister matapos saktan ang asawa at tangayin ang tatlong menor-de-edad na mga anak sa Caloocan City kagabi, Oktubre 21.

Nahaharap sa kasong violence against women and children’s si Rogelio Mongas, 40, ng Samson road ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi, nag-aayos ng mga gamit ang biktimang si Marienell, 33, sa loob ng bahay nang dumating ang lasing na suspek at saktan ang ginang.

Nagawang makalabas ng bahay ang biktima at nakahingi ng tulong sa mga barangay tanod subalit nang respondehan ay wala na ang suspek at tatlong menor-de-edad na mga anak.

Dito na humingi ng tulong sa mga pulis ang biktima at pinuntuhan ang isa pang bahay ng suspek sa Don Basilio, Hulong Duhat, Malabon City at nabawi ang mga bata habang dinakip ang suspek.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply