Mister niratrat, tigok

PATAY ang isang 50-anyos na padre de pamilya matapos na pagbabarilin sa tapat ng bahay ng kanyang anak na binisita sa Isla Putting Bato sa Tondo, Maynila.

Dead on the spot ang biktima na si Uldarico Murillo, ng Gate 3 Parola Compound Tondo ng lungsod, sanhi ng tinamong dalawang tama ng .45 kalibre ng baril.

Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong alas-10:45 ng gabi sa harap ng bahay ng anak ng biktima na si Evelyn.

Sa imbestigasyon, pumasyal umano ang biktima sa bahay ng anak at nang papauwi na ito ay biglang sumulpot ang apat na suspek at saka ito pinagbabaril.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek nang makitang duguang nakahandusay na ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo sa krimen, habang inilagak naman sa Cruz Funeral Homes ang bangkay para sa awtopsiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply