Mister sinaksak ng misis habang tulog, dedo

MATINDING sama ng loob at kahihiyan ang nagtulak sa isang babae upang saksakin ang lasing na asawa habang natutulog sa kanilang bahay sa  Makati City kahapon.

Kinilala ni Makati police chief Senior Superintendent Manuel Lukban ang biktima na si Octavio Elayda,36 anyos, security inspector ng Superior Security Services,samantalang ang suspek ay ang asawa nito nasi Annalyn Elayda ,32 anyos, kapwa nakatira sa Legaspi St. Barangay Olympia .

Ayon sa ulat ng imbestigasyon ng Makati Police, bago nangyari ang pananaksak sa bikitma, nakikipag-inuman umano si Octavio sa kanilang kapitbahay dakong alas-12 ng madaling araw.

Nagtungo umano ang asawang si Analyn sa asawa at sinabihan itong tumigil na sa pag-inom at umuwi na. Nairita umano ang lalaki sa pambubuska ng asawa kaya’t nauwi sa matinding pagtatalo at bangayan sa harap ng mga kainuman ng biktima.

Nang matapos ang pagtatalo ng mag-asawa ay umuwi na rin ang dalawa sa kanilang bahay,kung saan mabilis na nakatulog si Octavio sa tindi ng kalasingan, at hindi na nakausap pa ang asawang punong-puno na ng hinanakit dahil sa nangyaring pagtatalo.

Sa puntong ito, kumuha si Analyn ng kutsilyo at ibinuhos ang sama ng loob sa pagsaksak sa katawan ng walang kamalay-malay na asawa. Umiiyak na lumabas ng bahay ang suspek na duguan ang mga kamay ,kayat agad sumaklolo ang mga kapitbahay at isinugod sa ospital si Octavio sa Makati Medical Center subalit di na umabot ng buhay.

Nasa kostudiya na ng Makati Police ang suspek na si Analyn habang inihahanda na ang kasong parricide laban sa kanya.

Inaalam pa rin ng pulisya ang iba pang anggulo ng pamamaslang kung ang naging motibo ng supek ay dahil sa selos , pagtanggi sa sex, o violence against women na matagal ng kinikimkim ng babae laban sa asawa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply