Mister suspek sa pagpatay sa negosyanteng misis

MISMONG asawa ang isa sa tinitignan suspek sa pagpatay sa presidente ng isang shipping line  at nakasugat sa dalawang anak matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding-in-tandem sa Caloocan City kamakailan.

Sa pahayag ni Chief Insp. Rodrigo Soriano, hepe ng Investigation ng Caloocan City Police, mismong mga anak at kaanak ng biktimang si Maria Theresita Go  ang nagsasabing ang kanyang asawa na hindi na pinangalanan na kapitan ng barko ang may kagagawan sa pag-ambush sa kanila.

Magugunita na noong Oktubre 5, 2012, dala ng biktima ang kanilang Toyota Fortuner sakay ang mga anak na sina Charles Dustin, 10 at Darryl Edimar at pagsapit sa Tullahan Road ng lungsod dakong alas-10 ng gabi ay sinabayan ng mga suspek sakay ng isang motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Pinagbabaril ng nakaangkas ang sasakyan hanggang sa tamaan ang mga bala sa katawan ang biktima habang nadaplisan sa ulo si Charles.

Nagawa naman makahingi ng tulong si Darryl na naging dahilan upang madala ang ina at kapatid sa Valenzuela General Hospital subalit hindi na umabot ng buhay si Go habang nalapatan ng lunas si Charles.

Nakakatanggap rin umano ng pagbabanta ang biktima sa kanyang asawa bago maganap ang pananambang matapos sampahan ng kasong violation against wowen’s and their children’s ng una  na naging dahilan upang hindi na makasampa ng barko ang huli.

Hinihintay naman ng mga pulis ang asawa ng biktima upang mabigyan linaw kung may katotohanan ang paratang sa kanya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply