Mister tinodas sa harap ng ka-live-in

NATULALA at tila nawala sa sarili isang ginang matapos paslangin sa kanyang harapan ang 43-anyos na ka-live-in sa loob ng kanilang bahay sa Pasay City, Huwebes ng umaga.

Dead on the spot si Rafael Dizon dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan nang pagbabarilin ito habang kasama ang kanyang kalive-in na si Gloria Quillosa, 53 na nag-aalmusal.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Cris Gabutin at PO3 Simon Respicio, Jr. ng Investigation Section ng Pasay police, nasa harap ng hapag-kainan ang biktima at kinakasama nito sa loob ng kanilang tirahan sa Apelo Cruz St. dakong alas-7:45 ng umaga nang pumasok ang dalawang armadong lalaki at kaagad na pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang pamamaslang, tumakas ang mga suspek patungo sa dulo ng Apelo Cruz at sumakay sa isang motorisklo na hindi nakuha ang plate number.

Batay sa pahayag sa pulisya ni Quillosa, bago naganap ang pamamaslang ay ilang ulit nang nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay ang kanyang ka-live-in mula sa dalawang lalaki na nakilala niya sa mga
pangalang Mariolito Velarde at Arnel Paraiso na residente rin sa kanilang lugar.

Nagsimula umanong pagbantaan ng dalawa ang kanyang kinakasama matapos paghinalaan na nagbibigay ng impormasyon sa pulisya kaugnay sa ginagawa nilang pagtutulak ng iligal na droga sa kanilang lugar.

Iniutos na ni Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Investigation Division ng Pasay police ang pag-iimbita sa dalawa upang alamin kung may kinalaman sila sa naturang pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply