Misuari ‘di binalewala sa GRP-MILF peace talks

NAGBIGAY linaw si Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Teresita “Ging” Deles na hindi binalewala si dating Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari sa peace negotiations ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ipinaliwanag ni Deles, na kabilang si Misuari sa Tripartite Implementation Review ng usapang pangkapayapaan.

Gayunman, nais ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor ng pagtatatag ng provisional government sa rehiyon na taliwas sa isinusulong ng gobyerno.

Nilinaw naman ni Deles na hindi lahat ng miyembro ng MNLF ang umaalma sa pagtatatag sa Bangsamoro.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply