MMDA chair Tolentino, 6 pa, kinasuhan ng natalong bidder

NAHAHARAP sa kasong sibil si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Francis Tolentino at anim pang opisyal kaugnay sa umano’y pag-abuso sa kapangyarihan sa pagdeklara na walang nanalo sa mga bidder para pagbili ng P300 milyong halaga ng traffic signals.

Sinabi ni Engr. Efren Abratique, President at CEO ng Abratique Associates at First United Construction Corp., na ginamit ni Tolentino ang kaniyang kapangyarihan para maimpluwensyahan at ideklarang may failure sa bidding ng P300 milyong traffic signal system.

Bukod kay Tolentino, sinampahan din ng kaso sina Edenison Fainsan, Chairman ng Bids and Awards Committee ng MMDA at mga miyembro nitong sina Lydia Domingo; Amante Salvador; Rochelle Macapili-Ona at Noemi Recio at maging si Emerson Carlos, ang Chairman ng “Special” Bids and Awards Committee.

Bukod sa kasong sibil, nais din ni Abratique na busisiin ng korte ang proseso ng bidding at mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) at writ of injuction laban sa mga akusado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply