MMDA humingi ng tulong sa publiko vs kotong

HUMINGI ng tulong ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko upang tumulong sa pagsugpo sa nangyayari pa ring kotongan na karaniwan umanong kinasasangkutan ng ilan nilang mga kawani na nasibak  matapos sumabit sa katiwalian.

Aminado si MMDA Traffic discipline office chief Atty . Yves  Gonzales na may natatanggap pa silang reklamo ng pangongotong ng kanilang mga traffic enforcer na ang madalas na binibiktima ay mga cargo at trailer trucks.

Nakatanggap ng reklamo ang MMDA kaugnay sa umano’y pangongotong ng mga traffic enforcer ng MMDA sa kahabaan ng Bonifacio Road sa Port Area sa mga trailer truck  na ginagamit na paradahan ang  naturang lansangan mula sa tulay ng Delpan hanggang sa Railroad St.

Sinabi ni Gonzales na iniutos na nila sa mga traffic enforcers na nakatalaga sa Port Area na iwasan ng sumita sa mga trailer trucks sa Port Area paglagpas ng alas-10 ng gabi upang maiwasan ang hinala na
panghihingi lamang ng tong o lagay ang kanilang layunin.

Nanawagan si Gonzales na itawag sa kanilang hotline na 136 kung may reklamo laban sa kanilang mga traffic enforcer na nangongotong upang madakip kaagad ang mga ito.

“Karaniwan kasi, yung mga nasibak na naming mga traffic enforcer ang gumagawa ng ganito kaya kung maitatawag lamang kaagad sa amin, kasama na namin ang mga pulis sa pagresponde para hulihin ang mga ito,” pahayag ni Gonzales.

Napagalaman na hindi lamang MMDA traffic enforcers ang may lagay sa mga driver ng cargo at trailer trucks na ginagawang paradahan ang kahabaan ng Bonifacio Road kundi maging ang ilang tiwaling tauhan ng Manila Police Traffic Division at tauhan ng Philippine Ports Authority.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply