MMDA lalahok sa ‘Oplan Kaluluwa’

MAGPAPAKALAT ng 2,000 tauhan ang MMDA sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila upang tiyakin na magiging maayos ang paggunita ng Araw ng mga Santo at Araw ng Kaluluwa sa taong ito.

Ayon kay MMDA general manager Corazon Jimenez, ang mga tauhan ay bubuuin ng mga traffic constable, sidewalk clearing crews at mga tauhan mula sa Roadside Emergency Unit ng ahensya.

Sinabi ni Jimenez na ang MMDA ay karagdagang pwersa sa lakas ng Philippine National Police , sa mga nagpapalakad ng mga sementeryo, mga terminal ng bus at mga nagpapatakbo ng NLEXa t SLEX sa pagpapatupad ng Oplan Kaluluwa .

Huwebes pa lamang umano ay magsisimula ng pumwesto ang mga tauhan ng MMDA sa mga sementeryo sakay sa kanilang mga scooters, habang ang iba ay magsisimula ng linisin ang mga sementeryong nasa watchlist ng MMDA na mga maruruming sementeryo partikular ang Makati South Cemetery, Pasay City Cemetery, Navotas Cemetary at Tugatog Cemetary .

Lilinisin ng MMDA ang mga harapan at kapaligiran ng mga sementeryo samantalang toka ng mga lokal na pamahalaan ang paglilinis sa loob ng mga sementeryo.

Nabatid na dumarami ang mga basura sa loob ng mga pampublikong sementeryo dahil sa mga naninirahang informal settlers sa loob nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply