MNLF chair Misuari pinatatahimik sa isyu ng Bangsamoro region

NANAWAGAN si Maguindanao Rep. Simeon Datumanong kay Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari na pag-aralan muna at busisiin ang lalagdaang Framework Agreement sa pagitan ng administrasyong Aquino at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ngayong alas 2:00 ng hapon.

Giit ni Datumanong na masyado pang maaga upang mag-alburuto si Misuari dahil general framework pa lamang ang pinirmahan ng gobyerno at MILF sa Malakanyang.

Naniniwala ang kongresista na wala pang basehan ang pangamba ni Misuari na posibleng maisantabi ang naunang pakikipagkasundo ng gobyerno sa ilalim ng admininstrasyon ng dating Pangulong Corazon Aquino sa MNLF.  kasunduan sa MILF ang peace agreement ng gobyerno sa MNLF.

Sinabi pa ni Datumanong na idadaan pa sa Kongereso ang proseso at saka ilalatag sa mga residente na maaapektuhan ng lilikhaing Bangsamoro Region  sa pamamagitan ng isang plebisito.

Siniguro rin ng kongresista na hindi isasantabi ng Kongreso ang anumang probisyon sa kasunduan sa MNLF na nakabuti para sa Bangsamoro people.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply