Morato, di magtatago

HINDI magtatago si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Manuel “Manoling” Morato kahit kasama ang kanyang pangalan sa listahan ng aarestuhin kaugnay sa kasong plunder na inihain laban sa Sandiganbayan kasama si dating pangulong Gloria Arroyo at walong iba pa.

Ani Morato, wala siyang natatanggap na kopya ng warrant of arrest o ng opisyal na kaso mula sa Ombudsman.

Hinihintay umano niya ang mga charges upang masagot ito ng kanyang mga abugado.

Huwebes lamang umano ng hapon siya nakatanggap ng kopya ng warrant at kopya ng reklamo ng Ombudsman sa Sandiganbayan.

Gayunman, maghahain umano siya ng mosyon sa Lunes upang maipagtanggol ang kanyang sarili.

Iginiit din niyang wala siyang kinalaman sa higit P300 milyong intelligence fund ng PCSO na umano’y nilustay para sa 2010 elections.

Naniniwala pa rin umano siya sa judicial process kaya lalaban siya ng patas.

Siniguro rin niyang wala siyang balak magtago di tulad ng iba umanong kasamahan niya na sangkot din sa kasong pandarambong.

Ang gusto lamang umano niya ay maipaliwanag ang kanyang panig at dumaan sa tamang proseso ang kaso.

Samantala, nakikipag-ugnayan ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Foreign Affairs (DFA) para ipakansela ang pasaporte ng mga kapwa-akusado ni dating Pangulong Gloria Arroyo na diumano’y nasa labas ng bansa.

Hindi pinangalanan ni CIDG-NCR head Senior Superintendent Joel Corone ang mga co-accused ni CGMA na umano’y nakalabas na ng bansa dahil nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.

Hinihintay umano nila ang pagsuko ng isa pang akusado sa plunder case na si Raymundo Roquero na una nang nagpadala ng surrender feelers.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply