Morato naghain ng motion to bail

NAGHAIN ng mosyon si dating Philippine Charity Sweepstakes Office board director Manuel L. Morato upang hilingin sa Sandiganbayan na siya ay payagang makapagpiyansa.

Kasabay din nito, ang kanyang paghamon sa prosekusyon na patunayan ang akusasyong plunder laban sa kanya.

Tahasang sinabi ng abogado ni Morato na si Atty. Dante A. Diaz sa 12-pahinang mosyon na ang ebidensya ng prosekusyon ay “almost nil or at the very least, weak” kung kaya dapat lamang aniyang payagan na makapagpiyansa ang kanyang kliyente.

“The accused in a criminal case for a capital offense is constitutionally entitled to bail when the evidence of guilt is not strong. Once it is determined that the evidence is not strong, bail becomes a matter of right.”

Ipinaliwanag pa ni Diaz na ang paglagda ni Morato sa dokumento na siyang nagbunsod upang idawit siya sa kasong plunder ay maituturing na “ministerial” at walang layuning masama.

“The mere act of confirming a consummated act of the President does not amount to a conspiracy as defined by law,” ayon kay Diaz.

Binanggit din ni Diaz na sa November 7, 2012 ay 79 na taong gulang na si Morato, bulag ang isang mata at nagtataglay rin ito ng chronic obstructive pulmonary disorder (COPD) sa nakalipas na tatlong taon.

Handa rin aniya ang kanyang kliyente na sumunod sa lahat ng kondisyon mapayagan lamang itong magpiyansa, kabilang ang pagpo-post ng cash bond, pagsuko ng kanyang pasaporte at kahit aniya magsuot pa ng GPS monitor upang mabatid kung saan ito nagpupunta.

Iginiit pa ni Diaz na ang kanyang kilyente ay hindi flight bilang pagpapahalaga sa kanyang yumaong ama na si Tomas B. Morato.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply