Moro rituals: Framework signing mala-fiesta

NAGMISTULANG piyesta ang tulay ng Mendiola makaraang sabayan ng  Moro rituals ang paglagda ng Bangsamoro framework sa Malacañang.

Nagsagawa ng palatuntunan sa  Chino Roces bridge ang mga Muslim kasabay ng makulay na mga programa, at pagsasagawa ng Muslim prayers kasabay ng pag-awit ng mga musikang Moro.

Nagsagawa rin ang mga mamamayan ng Mindanao at mga Muslim na nagmula pa sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas ng boodle feast.

Sinalubong ng mga ito ng umaatikabong palakpakan ang pormal na paglalagda ng framework agreement sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at gobyerno ng Pilipinas sa Palasyo sa Malacañang.

Napuno naman ang Rizal Hall ng  Malacañang na dinaluhan ng libong observers, diplomats, MILF at iba pang stakeholders sa isinagawang paglagda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply