Mosyon ng mga akusado sa PCSO plunder case, reresolbahin ng sabay ng Sandiganbayan

SABAY-SABAY reresolbahin umano ng Sandiganbayan First Division sa darating na araw ng Huwebes ng umaga ang mga petisyon inihain nina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at apat pang akusado sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) plunder case.

Kabilang dito ang urgent motion for hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ni Ginang Arroyo dahil sa karamdaman nito.

May mosyon din inihain  nina dating PCSO Director Manuel Morato at dating PCSO General Manager Rosario Uriarte kung saan ipinababawi nila ang warrant of arrest dahil sa kawalan anila ng basehan para madiin sila sa kaso.

Naghain naman ng petisyon si dating PCSO Chairman of the Board Sergio Valencia na manatili na lang siya sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center dahil sa katandaan at sakit.

Ito rin ang hiling ni dating PCSO Assistant Manager for Finance Benigno Aguas dahil hindi anya siya ordinaryong kriminal.

Isinasangkot ang lima sa umano’y maanomalyang paggamit sa P366 milyong pondo ng PCSO.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply