Mosyon ni GMA bigong desisyunan ngayon ng Sandigan

NABIGO ang Sandiganbayan na maglabas ng resolution sa mosyon para sa hospital arrest ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Nagharap kanina sa pagdinig sa sala ni Judge Efren Dela Cruz ng 1st Division ng anti-graft court ang mga prosecutor ng Ombudsman at mga abogado ng dating Presidente.

Sa pagdinig, iginiit ng prosekusyon na dapat malipat ang dating Pangulo sa regular na detention facility na kanilang ibinase sa medical bulletin ng Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) nitong Oktubre 8. Sa nasabing bulletin nabatid an hindi na umano dehydrated ang dating Pangulo kaya’t kaya na nitong lumabas sa ospital.

Dumipensa naman si Atty. Anacleto Diaz, abogado ni Ginang Arroyo at sinabi na hindi ito basehan na maganda na ang kondisyon ng kanyang kliyente.

Sa Oktubre 18, pinagsusumite ni Judge Dela Cruz ang magkabilang kampo ng mga dokumento at testigo.

Sa kampo ni Gng. Arroyo, dapat patunayan na kailangang isailalim ang mambabatas sa hospital arrest o house arrest.

Posible ring ipatawag sa susunod na pagdinig ang doktor ng dating Pangulo sa VMMC na si Antonio Sison na unang nagsabi na mayroong side-effect ang cervical spine surgery sa kalusugan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply