Motor rider pumailalim sa bus, todas

TEPOK ang isang nakamotorsiklo makaraang pumailalim sa isang pampasaherong bus sa Belfast Avenue, Quezon City kaninang madaling araw.

Base sa salaysay ng driver ng Nova bus na si Frankie Verano, 29 anyos, nag-counter flow ang motorsiklo sakay ang biktima na matulin na nagpapatakbo.

Nagpagewang-gewang umano ang bus kung kaya nagpreno siya ngunit nahagip pa rin niya ang motor at pumailalim kasama ang dalawang sakay nito.

Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung sino ang dapat managot sa nasabing aksidente.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Verano, habang hindi pa rin nakikilala ang nasawing biktima na sinasabing walang helmet at walang nakuhang ID.

Kasalukuyan namang ginagamot ang isa pang sakay ng motorsiklo sa East Avenue Medical Center (EAMC).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply