Motorsiklo ng mister, tinangay

NATANGAY ang motorsiklo ng mister ng hindi pa kilalang suspek matapos iparada ng una sa Caloocan City kagabi, Oktubre 25.

Sa pahayag ng biktimang si Roger Ocampo, 49, dakong alas-7:45 ng gabi, ipinarada niya ang Yamaha Vega, (9671-XI) sa tapat ng BIR building sa Edsa ng lungsod.

Makalipas ang ilang sandali ay binalikan ng biktima subalit laking gulat nang wala na sa pinagparadahan na naging dahilan upang ipaalam sa mga pulis.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply