MPD magdadagdag ng tauhan sa pagtatapos ng Bar exams bukas

MULING nagpaalala ang pamunuan ng Manila Police District sa mga supporters ng mga kumukuha ng Bar exams sa University of Santo Tomas na bawal ang “bar ops” sa paligid ng unibersidad.

Ang naturang pagsusulit ng mahigit 5,000 bar candidates mula sa ibat-ibang panig ng bansa ay matatapos na bukas (Oct. 28)

Sinabi ng direktor na nagdagdag na ng tauhan ang MPD na magbabantay sa paligid ng unibersidad upang matiyak na walang mga law students o mga frat members ang magtitipon-tipon upang salubungin ang mga kumuha ng pinakamahirap at prestihiyosong pagsusulit.

Ang hakbang ng MPD ay upang maiwasan ang nangyaring kaguluhan na ikinasugat ng marami dahil sa pagsiklab ng gulo may dalawang taon na ang nakararaan sa De la sale University sa Taft Avenue, Maynila.

Kaugnay nito, ipinaalala rin ni Guttierez na may ipinapatupad na liquor ban sa paligid ng UST simula alas kwatro ng umaga hanggang alas otso ng gabi bukas, araw ng linggo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply