MPD, NBI nagsanib pwersa vs 4 suspek na pumatay sa mag-ama

NAGSANIB puwersa na  ang Manila Police District Homicide Section, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) sa pagtugis sa apat pang suspek sa panghoholdap at pagpatay sa mag-ama na may-ari ng isang tindahan sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay P/Chief Insp. Joey de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section, sinadya ng pamilya ng mag-amang Onofre at Sierra Cruz na magpasaklolo sa NBI upang mapadali ang pagresolba sa kaso.

Tinitignan pa ring anggulo ng pulisya ang umanoy inside job sa panloloob sa tindahan ng diaper at dishwashing liquid na pag-aari ng mga biktima.

Pinag-aaralan na rin ng pulisya ang nakuhang CCTV camera  sa loob ng tindahan kung saan naganap ang holdapan at patayan.

Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya sa mga ospital na maaring pinuntahan ng isa sa suspek na  nasugatan.

Napag-alamang, nakipagbuno ang mag-amang biktima sa mga suspek nang looban ang kanilang tindahan na matatagpuan sa F. Huertas St., Sta. Cruz, Maynila, nitong nakaraang LInggo ng hapon kung saan natangay ang cash na aabot sa 200,000.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply