Mrs. Carina Binene dapat mag-public apology kay Atty. Topacio

LAHAT ng mga pahayag na binibitiwan ng famous controversial lawyer na si Atty. Ferdie Topacio sa media ay pawang dokumentado, kaya sa aming palagay ay may tulog ngayon ang nagmamalinis na ina ni Bea Binene na si Mrs. Carina sa statement na kanyang pinakawalan kamakailan sa ipinatawag na presscon ng GMA Artists Center kung saan sinabi nitong hindi raw sila nanghihingi ng pera rito at hindi totoong legal counsel nila ito.

At ang pinaka da height, ‘yung pinagbibintangan nilang “stalker” kuno ni Bea na si Papa Dan Villanueva, DJ ng DWLS FM, suportado ng GMA 7.

Pagkatapos nilang abalahin si Atty. Topacio sa gitna ng malakas na bagyo at papuntahin ni Mrs. Carina sa resto diyan sa may Tomas Morato na bahang-baha that time para sampahan nga ng kaukulang kaso si Papa Dan sa panggugulo nga raw nito kay Bea, hayun matapos mag-todo effort ang magaling na abogado para idulog ang kaso sa CIDG Camp Crame inabsuwelto na ng mag-inang gimikera ang libugerong disc jockey.

Sabi, natatakot daw kasi itong si Mrs. Carina na baka i-blackmail sila ng DJ dahil hawak daw nito sa kanyang cellphone at laptop ang diumano’y maselang video nila ni Bea? At huwag daw mag-deny ang handler at head publicist ni Binene na si Ms. Connie Tungol dahil ito raw mismo ang tumawag kay Atty. Topacio para pakiusapan na i-demand nito na kumpiskahin ang mga nasabing gadget ni Papa Dan, na hindi naman puwedeng gawin ng abogado dahil labag ‘yun sa batas.

So, sa palagay ng ina ng Kapuso star ano ngayon ang nararamdaman ni Atty. Ferdie pagkatapos niyang ilaglag ito?

Matutuwa pa ba sa kanya ang naturang celebrity lawyer? At ano ‘yung sinasabi niyang hindi sila nanghihingi ng pera ni Bea, Eh, documented ‘yung 180,000 na ibinigay ni Atty. Topacio sa dalaga. At noong mag-Hong Kong trip sila ay sikreto pa raw na nag-emote ang nanay na ito at humingi nang pocket money sa mabait at very generous na abogado.

At ano rin ‘yung sinasabi nilang hindi nila legal counsel ang sumusuporta sa kanilang lawyer? Hindi ba’t si Atty. Topacio ang siyang sumulat noon sa GMA 7 para ipaalam na may gagawing album ang young star. Dahil, walang mga alam, ang feeling ni madir puwede silang mag-produce ng album for her daughter na hindi humihingi ng permiso sa Kapuso network eh, bawal ‘yun lalo pa’t exclusive ang contract ng young singer-actress.

Naku! Sobra naman nilang inapi at kinawawa ang de-kampanilyang abogado. Matapos silang tulungan at suportahan ay ito pa ngayon ang sinisisi nila sa lahat nang mga naglalabasang negative issue kay Bea. Napuno tuloy nila ‘yung tao kaya nagbabalak na ngayong sampahan ng kaso si Carina kapag hindi ito nag-public apology sa kanya. At dahil taga-Batangas at Palawan ang nabanggit na sikat na lawyer ay sa mga lugar niya isasampa ang mga kaso laban sa inggratang nanay. Da karma is always der gyud!

***

Mr. Pogi tatapatan ng D’ Kilabot sa Eat Bulaga

HINDI man super guwapo pero dahil matapang ang loob ay naipakita at napatunayan ni Dabarkads Jose Manalo na dahil sa angking talent o pagiging born comedian, heto na siya ngayon malayong-malayo na ang narating ng karera sa showbiz. Kaya naman kung type ninyong sundan ang yapak ni Jose, Wally Bayola, etc., kung ikaw ay 18 to 25 years old na may nakakikilabot na bilib sa sarili at humahataw ang angkin talento, ikaw ang hinahanap ni Jose at ng Eat Bulaga para sa kanilang D’ Kilabot na counterpart ng Mr. Pogi na malapit nang mapanood sa Bulaga.

Ano pa ang hinihintay niyo, mag-audition na kaagad sa Broadway studio from Monday to Friday, mula 3:00 pm hanggang 5:00 pm. Tiyak na riot na riot ang bagong pakulo na ito kaya’t huwag ninyong kalilimutang tutukan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply