MRT-7 project, haharangin ng mga magsasaka

NANGANGAKO ang isang samahan ng mga magsasaka sa Bulacan na haharangin nila ang Metro Rail Transit 7 na proyekto ng pamahalaang Aquino.

Ayon sa Sandigang Samahang Magsasaka o Sasama, papantayan nila ang katapangan ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita upang biguin ang proyekto na tatakbo mula North Avenue sa Lungsod Quezon patungong San Jose Del Monte sa naturang lalawigan.

Paliwanag ng Sasama, mapapa-alis sila sa tatlong daan at labing isang ektaryang lupain na kanilang nililinang upang matayuan ng mga gusaling komersyal ni Danding Cojuangco at pamilya Araneta-Roxas sa Tungkong Mangga sa Bulacan.

Ayon sa plano ng MRT7, gagawing intermodal depot na may residential at commercial component ang binubungkal at ikinabubuhay ng mga magsasaka sa Tungkong Mangga.

Inaangkin ng Araneta-Roxas ang lupang nasa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program, ayon sa Sasama.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply