MRT fare hike, hahalukayin ng Senado

HINDI pumayag si Sen. Sergio “Serge” Osmena III sa plano ng Department of Transportation (DOTC) na itaas ang singil sa pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) saka pumalag din si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sa naturang  plano.

Sa interview nitong Huwebes, sinabi ni Osmeña na dapat imbestigahan ang planong pagtaas upang malaman ng publiko kung makatotohanan ang panukala na siyang magbibigay ng panibagong pabigat sa pasahero.

“I think that has to be studied very carefully because there is going to be a public outcry. It is not an inquiry but an inquiry to make more transparent on the public fees or fees the public have to pay,” aniya.

“Siyempre gusto malaman ng publiko, P10 a day, P20 back and forth translates to, if you work 5 days a week, P100 in a month that’s 400, is that affordable or not,” dagdag ni Osmeña.

Ngunit, aminado naman si Osmeña na kailangan talagang itaas ang singil sa pasahe sa MRT upang maiwasan ang patuloy na pagkasira ng riles at bagon nito ngunit nananatili ang debate kung magkano ang subsidy na ibibigay ng gobyerno.

“MRT will have to expand in order to serve the public. That’s already almost 15 years old, and we cannot allow it to continuously dilapidate. Of course the debate now is how much the government will have to subsidize it for,” aniya.

“I don’t know (P10 is enough) because i have never run the numbers. Perhaps the committee on public services can conduct a hearing so they can share their number with us,” aniya.

Samantala, sinabi naman ni Revilla na tulad ng kanyang pagsuporta sa resolusyon noong nakaraang taon na humihiling na ipagpaliban ang pagtaas ng singil sa MRT, hindi rin naman nasa tamang panahon ang plano.

“Last year, I fully supported the Senate Resolution expressing the sense of the August Chamber for the deferment of the implementation to increase the fares of the Metro Rail Transit as well as the Light Rail Transit and toll fees in the country’s expressways,” aniya.

“Same thing now; I am appealing to our national government to reconsider its decision to raise MRT-3 fare. Next year is still not the time to burden anew the public,” paliwanag pa ng senador.

Aniya, kung itutuloy ng gobyernong Aquino ang pagtaas sa singil sa pasahe, hindi ito napapanahon sa harap ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sanhi ng lumolobong halaga ng langis

“Bagong taon, bagong dagdag pasanin sa publiko. Hindi naman maganda na iyan ang ipangpasalubong natin sa kanila sa 2013. Hindi matuwid na ang pamahalaan pa ang magbibigay ng panibagong problema sa ating mga mamamayan,” aniya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply