Multicab iniwan ng carnapper nang maubusan ng gasolina

INIWAN sa kalsada ng hindi pa kilalang carnapper ang tinangay na multicab makaraan maubusan ng gasolina sa Caloocan City kahapon ng madaling araw, Oktubre 18.

Sa ulat, dakong alas-11:30 kagabi nang tangayin ng suspek ang Suzuki Multi-cab (CAJ-752) ni Romeo Oñate, 40 habang nakaparada sa kanilang bahay sa Sta. Maria, Bulacan.

Dakong alas-2 ng madaling araw nang makita ang Multi-cab na inabandona sa 8th Avenue ng lungsod matapos maubusan ng gasolina.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply