Buntis, 4 pa sugatan sa salpukan ng multicab, trak

SUGATAN ang lima katao kabilang ang isang buntis makaraang magsalpukan ang isang cargo truck at pampasaherong multicab sa panulukan ng Buendia at Roxas Boulevard sa Pasay City.

Nabatid na dahil sa biglang pagpreno ng multicab sumalpok ito sa rumaragasang cargo truck (WNR 988) na nawasak ang harapan.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga sugatan, kabilang ang dalawang pahinante ng trak at buntis na sakay naman ng multicab.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng multicab na si Zandy dela Cruz maging ang driver ng trak na si Nestor Garcia na sumasailalim sa imbestigasyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply