‘Mutual respect, civility’ apela ni Brillantes sa 2 grupo

UMAPELA si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. ng ‘mutual respect at civility’ sa mga party-list groups na nais na tumakbo sa 2013 midterm polls.

Ang panawagan ni Brillantes ay kasunod nang naganap na ‘banggaan’ ng dalawang miyembro ng mga progresibong grupong Akbayan at Anakbayan.

Sa kaniyang Twitter account, sinabi ni Brillantes na hindi dapat na daanin sa karahasan at kawalan ng respeto sa isa’t isa ang anumang hindi pagkakaintindihan.

Tiniyak rin nito na magiging patas ang poll body sa kanilang pagdedesiyon sa paglilinis ng party-list system para sa eleksyon sa susunod na taon.

“While I encourage public discourse and debate over the issue of whether certain party-list organizations are marginalized or not, we cannot, however, resort to violence and commit disrespectful and vulgar acts just to make a point,”  tweet ni Brillantes.

Ayon kay Brillantes, kinikilala ng Comelec ang kahalagahan ng paglilinis ng party-list system para sa lahat ngunit ang kailangan aniya ay ‘mutual respect at civility’ sa mga party-list groups.

“One thing I can assure the Filipino people is that whatever decision the Comelec will arrive at will be fair and will be according to law,” aniya.

Nauna rito, nagdaraos ng isang press conference sa Maynila ang Akbayan at ipinapaliwanag kung bakit hindi sila dapat na idiskuwalipika ng Comelec mula sa party-list polls.

Gayunman, bigla umanong lumusob ang mga miyembro ng Anakbayan sa naturang press conference at inakusahan ang Akbayan ng pagiging “pekeng” party-list at sunud-sunuran lamang umano ng administrasyong Aquino.

Unang hiniling ng ilang grupo sa Comelec na huwag payagang lumahok sa halalan ang Akbayan dahil hindi na umano ito maituturing na underrepresented dahil marami na sa kanilang miyembro ang nakaupo sa puwesto sa gobyerno.

Sa kasalakuyan ay umuupo sa mga pwesto sa gobyerno ang ilang miyembro ng Akbayan, kabilang na si Loretta Rosales (Commission on Human Rights chairperson) at Ronald Llamas (Presidential political adviser) habang tumatakbo namang muli sa pagka-senador ang isa pang miyembro ng Akbayan na si natalong senatorial bet Theresia Baraquel, sa ilalim ng koalisyon ng administrasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply