‘My Way’ nais ipa-ban sa videoke bars

KUNG si Metro Manila police head Chief Superintendent Leonardo Espina lang ang masusunod, ipapa-blacklist niya ang kantang “My Way” at dalawa pang kanta sa mga videoke bar na nasa kanyang nasasakupang lugar.

Sa talaan ng Metro Manila police, ang My Way ni Frank Sinatra; Green Green Grass of Home na pinasikat ni Tom Jones; at My Love Will See You Through ni Marco Sison, ay paboritong kantahin sa mga videoke at karaoke bars na kadalasang nagdudulot ng argumento na humahantong sa kaguluhan o rambulan sapagkat

Sa kanilang talaan, sinabi ni Espina na nagpapagalingan sa isa’t isa ang mga kumakanta ng mga nasabing awitin na nauuwi sa pagtatalo.

Sa ganitong proseso, sinabi ni Espina na ang hindi pagkakasundo at argumento ay humahantong sa kaguluhan na ang ilan ay nagreresulta sa pagkakasakitan o patayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply