N. Luzon nilindol ng magnitude 5.6

NILINDOL ng may magnitude 5.6 ang ilang bahagi ng Northern Luzon kaninang tanghali.

Ayon sa US Geological Survey (USGS), naramdaman ang pagyanig bandang alas-11:14 ng tanghali na natagpuan ang sentro sa limang kilometro kanluran, timog-kanluran ng Santa Praxedes, Cagayan.

Naramdaman din ang pagyanig sa Claveria, Cagayan; at sa Laoag at San Nicolas, Ilocos Norte kung saan naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sentro nito sa 30 kilometro hilagang-silangan ng Pagudpod, Ilocos, Norte.

Samantala, naramdaman ang Intensity V sa Sarrat Ilocos Norte, Intensity IV sa Buguey, Cagayan; Batac, Ilocos Norte at Sinait, Ilocos Sur.

Habang naramdaman din ang Intensity III sa Tuguegarao City at Intensity II sa Burgos, Ilocos Sur.

Wala namang naiulat na pinsala, nasaktan o nasawi sa naturang pagyanig.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply