Nabaon sa limot

HANGGANG ngayon ay usap-usapan pa rin sa Bureau of Customs ang pagkakaabsuwelto  ng isang Joey Yuchongco sa kasong ill-gotten wealth case.

Si Yuchongco ay isa sa sinasabing miyembro ng makapangyarihang inner circle na kumikilos sa BOC noong panahon ni Gloria Arroyo.

Marami sa mga ito, kasama na ang sinasabing ‘God Father’ ay kinasuhan sa Office of  the  Ombudsman dahil sa katiwalian.

Isa nga rito ay si Yuchongco na noo’y opisyal ng BOC.  Ang kanyang kaso ay ill-gotten wealth dahil sa ‘di maipaliwanag na kayamanan.

Ngunit  bago magretiro si GMA, nagpalabas si noo’y Ombudsman Merceditas  Gutierrez  ng kautusan na tinawag na midnight resolution.

Si Yuchongco ay isa sa ilang personalidad na naabsuwelto sa bisa ng midnight resolution ni Gutierrez na sinasabing iligal.

Ang naturang midnight re-solution ay nagdulot ng kontrobersya dahil kinuwestiyon noon ni  Iloilo Congressman Neil Tupaz at iba pa.

Ang utos ni Gutierrez ay nangibabaw sa nauna nang kautusan ng Court of Appeals na  hindi na dapat ibalik si Yuchongco sa BOC.

Dahil din sa midnight resolution na ito, nakabalik si Yuchongco sa Aduana.

Ang resulta – walang nangyari sa galit ni Tupaz.

Sa ginawang pag-absuwelto ni Gutierrez kay Yuchongco, kitang-kita – ayon kay Tupaz ang pagiging bias ng dating Ombudsman.

“Di lang sina Tupaz, Cong. Teddy Casino at Cong. Neri Colmenares ang naguguluhan sa pagkaabsuwelto ni Yuchongco.

Pati mga opisyal at kawani rin ng BOC ay nagtatanong kung tama ba ang utos ni Gutierrez na absuweltuhin at ibalik si Yuchongco sa puwesto.

Kung sa BOC,  tema ng usapan pa rin ang pagkakabalik ni Yuchongco, tila sa kasalukuyang Ombudsman, eh, nabaon na ito sa limot.

May ulat din na si Yuchongco ang kumakanlong sa saya ng isang very powerful Palace official kaya kampante lang ito sa kanyang puwesto.

Kung totoo ang tsismis na yan, naku eh, masamang pangitain yan.

Dapat na sigurong hubaran ito ng maskara ni Pangulong Noynoy.

Kapag nagkataon kasi at ‘di napigilan, baka na-ininfiltrate na ang Palasyo nang walang kaalam-alam ang Pangulo.

Dapat manmanan ang Palace official na yan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply