Nadiskaril na tren, iimbestigahan ng DOTC

PAIIMBESTIGAHAN ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya ang nadiskaril na tren sa Sariaya, Quezon noong Biyernes.

Matatandaang anim na pasahero ang nagtamo ng minor injuries at dalawa ang nagkaroon ng trauma matapos madiskaril ang pangatlong bagon ng tren na patungong Bicol.

Hiniling rin ni Abaya sa Philippine National Railways (PNR) na pansamantalang suspindihin ang lahat ng operasyon ng train doon hanggang sa maisaayos na ang mga apektadong riles at masigurong ligtas na ito para sa mga pasahero.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply