Nagalit si Sec. Mar

NOONG nakaraang linggo, pinulong ni Sec. Mar Roxas ang local government units  at kapulisan ng Region 3 sa Central Luzon.

Ang sana’y inaasahang lively meeting ng kalihim sa mga mayor, lider ng PNP at lider sa rehiyon ay nauwi sa kompron-tasyon. Ang dahilan – operasyon ng jueteng sa lalawigan.

Lingid pala sa kaalaman ng mga alkalde at awtoridad, nagpakawala pala si Sec. Mar ng mga tao para tumaya ng jueteng.

At ang ikinagalit marahil ng DILG chief ay ang patuloy na pagsisinungaling ni Pampanga police director S/Supt. R’win Pagkalinawan tungkol sa operasyon ng jueteng sa kanyang hurisdiksiyon. May papelitos na ibidensya ang kalihim na katunayan ay tumaya ang kanyang isang tauhan ng jueteng bago ang isinagawang peace and order meeting.

May gana pang magdahilan si Pagkalinawan at sinabing STL at hindi jueteng ang nag-ooperate sa Pampanga gayong buking na siya ni Sec. Mar.

Yan nga ang hirap, eh, palaging dahilan ng pulisya ay hindi jueteng ang nag-ooperate sa maraming lugar sa bansa kundi STL.

Pero ang katotohanan, Sec. Mar, ginagamit ng mga gambling lord ang ligal na STL para makag-operate ng nadadayang jueteng.

STL-CON JUETENG SA BATANGAS

Sec. Mr, isa pang lugar na  matindi ang pamamayagpag ng STL-con-jueteng ay ang lalawigan ni Batangas  Gov. Vilma santos – Recto. Kaya kung may pagkakataon din ang ang SILG,  bisitahin ang probinsya ng mga alaeeee, at subukang tumaya ng jueteng.

Siguradong ang isasagot ni S/Supt. Rasauro Acio ay katulad din ng sagot ni Pagkalinawan, STL at ‘di jueteng ang nag-ooperate sa kanyang hurisdiksiyon.

Lahat nga ng mga Batangueño ay kilala kung sino ang mga STL at  jueteng operator pero si Acio ‘di alam. Katangahan naman na yata yan.

Baka naman ginagago si Acio ng kayang mga intel officer kaya ‘di alam na 24/7 ang operasyon ng STL-con-jueteng sa Tanauan, San Jose, Sto. Tomas, San Juan, San Pascual,  Mabini at Bauan.

Maski nga batang paslit kilala sina Minda, Nene, Jun Ocampo, Teryo, Indo, Kanor, Kancio, Ed Villanueva, Obet Malabanan, Dexter at Angel pero si Acio ‘di kilala ang mga ito.

‘Hindi lang jueteng, sakla o kilala sa tawag na baklayan ay lantaran din ang operasyon sa bayan ng Laurel at ang masama, mga pulis ang operators. Langya talaga.

COL. CALIXTO GINAGAGO!

Hindi pa man umiinit ang puwet ni col. Rimas Calixto sa puwesto ay ginagago  na siya ng kanyang tauhan na  isang PO3 Jose Boquiron.

Bakit kanyo? Aba’y binigyan daw ng blessing nitong si Boquiron ang isang jayvee Tan para mag-operate ng sugal sa Caloocan.

Paging, Secretary Mar at NCRPO chief Gen. Leonardo Espina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply