Nagkantiyawan: Binata tinodas ng bespren

PATAY ang isang 21-anyos na binata nang barilin ito ng kanyang matalik na kaibigan dahil sa hindi pagkakaunawaan sa Pasay City.

Nalagutan ng hininga habang isinusugod sa Pasay City General Hospital ang biktima na si Jonathan Custodio, residente ng Vergel St. ng naturang lungsod, dahil sa tinamong tama ng baril sa dibdib.

Agad na tumakas ang suspek na si Mark Anthony Viologo, kapitbahay ng biktima, tangay ang ginamit na baril.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Simon Respicio at SPO1 Dennis Desalisa ng Homicide Section ng Pasay City police, ganap na ala:1:20 ng madaling araw nang maulinigan ng mga kapitbahay na nagkakantiyawan ang magkaibigan sa harap ng bahay ng biktima

Ilang minuto ang nakaraan nang marinig na nagkapikunan na ang suspek at biktima na nauwi sa matinding bangayan.

Umuwi pa ang suspek ngunit pagbalik nito ay binaril nang malapitan ang kanyang kaibigan na nagresulta sa daglian nitong kamatayan.

Ayon kay Fe Castaneda, kagawad ng lugar (Brgy. 99 Zone-14), matalik na magkaibigan ang dalawa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply