Anne Curtis, may career pa kaya kapag tsinugi ng ABS-CBN?

SA PRESSCON raw ng bagong movie ni Anne Curtis sa Viva Films ay kung anu-ano ang mga pinagsasabi nito against ABS-CBN, ang TV network na nagbigay sa kanya ng malaking break kaya siya sumikat nang husto.

Ano ba naman kasi siya noong time na nasa GMA7 siya? Oo nga’t nagkakapelikula siya noon pero pang smorsgasboard lang ang beauty niya. Hindi ba dapat, instead na siraan ni Anne ang Kapamilya network in favor of her film, dapat siyang magpasalamat sa Kapamilya network dahil hanggang ngayon ay nanatili siyang ‘Star’ dahil sa magagandang projects na ibinibigay sa kanya ng istasyon.

Aba! Nagbitaw pa raw ng statement si Anne na muntik-muntikan na siyang mag-resign sa Showtime dahil bawal ngang banggitin ang name ng leading man niya sa latest project.

Naku! Ineng, prerogative ng management ng ABS-CBN kung ‘yun ang naging desisyon nila kaya sana nirerespeto mo naman, no? Sige, lumipat ka ng TV5 nang matigok ang bonggang career mo sa Kapamilya.

Ganyan naman talaga ang tao, hindi nakikita ang kahalagaan ng isang bagay kapag nandiyan pa. Pero kapag nawala na lahat-lahat ay saka na lang magsisisi. Wala talagang utang na loob ang babaetang ito. Triple period (peram my BFFT Pete A) at tripleng walang comma gyud!

***

Gloc 9 may Kakumpetensiya na! John Rendez original na rap artist

DEKADA 90 pa lang ay naipakita na ni John Rendez ang galing sa pagra-rap at noong mga panahon na ‘yun, aside sa pagiging co-host sa isang game show sa ABS-CBN 2, sumikat rin ang ginawang komposisyon ni John na Everybody Sayaw na naging favorite ng ating mga kabataan.

Ngayon sa kanyang comeback, muling patutunayan ni John na maliban sa kinilalang Master Rapper ng music industry na si late Francis Magalona, original rin siya sa field na ito at mas nauna sa mga kilalang rap artist tulad ni Gloc 9 na bumandera ng husto ang career taong 2000 at hanggang ngayon ay naririto pa rin.

Aba! Kung ipinagpatuloy lang ni John ang kanyang singing career baka nilampasan pa nito ang kasikatan ng mga co-rap artist.

Bilang actor, gumawa rin ng ilang pelikula si John at noong 1991 naipakilala siya bilang co-actor ng ating Superstar na si Ms. Nora Aunor sa “Ang Totoong Buhay Ni Pacita M” na dinirek ni Elwood Perez. Ang isa pang memorable action-drama lead starrer ni Rendez ay ang “Sindak” na ginawa nila noong year 2000 na mula naman sa direksiyon ng namayapang si Mario O’Hara.

Samantala, masaya si John dahil sa maliban sa kanyang bestfriend na si Ate Guy ay marami ang sumusuporta sa nire-revive niyang career. Tapos na nga niyang gawin ang bagong cd album ng mga kantang rap na kanyang nilikha taglay ang kanyang pangalan at ang napagkakilanlan sa kanya bilang isang Metaldog (dahil born Year of the Dog si John, noong January 6, 1971).

Ang carrier single ng album ay pinamagatang “There Can Only Be One”.  Binubuo ang album ng 11 all-original rap compositions, na follow-up rin sa una niyang album na Metaldog na na-release noong kalagitnaan ng dekada ’90s.

Kabilang sa bagong album, bukod sa carrier single nito (There Can Only Be One) ang mga na-compose rin ni John, tulad ng: No More Musik By The Suckers, Ratt9MM, Kembotan, at Metaldog; ang tatlong huli ang pinakapaborito raw ni John. Bilang composer at recording artist, bumilib naman si Rendez sa nilikhang musika ni Jonathan Ong at mixing (mixdowns) nina Tony D. at Robert Javier ng Sonic State Studio in Mandaluyong City.

“We clicked together, so good! Wala akong masabi. Jonathan Ong, the best! And Tony D., and Robert Javier are both very good! I am totally fulfilled and a lot happy!” sabi pa ng Fil-Am rapper na isinilang sa Angeles City, Pampanga. Masasalamin raw sa mga awitin ni John ang kanyang pinagmulan. “These (compositions) are heavily influenced by my past. But you know what? It’s also Pinoy rap influence,” sabi rin ni John.

Inyo na palang mabibili sa mga record bars nationwide ang Metaldog There Can Only Be One ni John na release through Polyeast Records sa halagang P250 lamang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply