NAIA bilang worst airport, malaking hamon sa DOTC

MALAKING hamon sa Department of Transportation and Communications (DOTC) ang naging resulta ng isang online survey na nagsasabing kabilang ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa “worst airport” sa buong Asya.

Sinabi ni Senador Loren Legarda na marapat lamang na kumilos na ang ahensya upang mawala ang negatibong pananaw sa ating paliparan.

Ayon kay Legarda, malaki ang magiging epekto nito sa turismo ng bansa kaya dapat na agarang ayusin na ang paliparan at paunlarin pa ang serbisyo nito

Batay sa ulat, ilan sa mga dahilan kaya nabansagang worst airport ang NAIA ng website na “The Guide to Sleeping Airport” ay ang sira-sirang kisame; sobrang sikip na lugar sa paliparan; pangongotong ng mga empleyado ng airport; at mga taxi na madaya ang metro.

Isa rin sa inirereklamo ay ang magulong sistema sa paglilipat ng paliparan sa ibang terminal

Noong nakaraang taon ay nabansagan na rin ang NAIA terminal 1 na worst airport in the world

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply