NAIA muling binansagang worst airport

BINANSAGAN na naman ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na “worst airport” sa buong Asya.

Batay sa ulat, ilan sa mga dahilan upang bansagan ng website na “The Guide to Sleeping Airport” na worst aiport ang NAIA ay ang sira-sirang kisame, sobrang sikip na lugar sa paliparan, pangongotong ng mga empleyado ng airport at mga taxi na madaya ang metro.

Kabilang rin sa inirereklamo ay ang magulong sistema sa paglilipat ng ibang terminal ng paliparan.

Noong 2011 ay nabansagan na rin ang NAIA Terminal 1 na worst airport in the World na ikinadismaya ng pamunuan ng terminal.

Ayon kay NAIA, General Manager Retired General Jose Angel Honrado, aminado silang may mga kakulangan sa Terminal-1 at handa nila itong tugunan.

Noong 2010, batay sa on-line voting website ng “Guide to Sleeping in Airports” ay nabatid na ang NAIA Terminal-1 ay numero uno sa pangit na pasilidad at serbisyo kumpara sa mga airport sa Asian Region.

Ayon sa website, kulangan ang mga upuan ng paliparan partikular na sa customs area.

Maliban dito pang-lima rin ang Terminal-1 sa pinakamalalang airport sa buong mundo na sumunod rin ang ilang lagapak ng paliparan ng France, Russia at U.S.A.

Hindi naman minamasama ng airport authorities ang resulta ng on-line survey sa halip ay tinatanggap nila ito bilang isang hamon para mas mapagbuti pa ang airport industry ng bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply