Nakahihiyang army reserve command

DISIPLINA ay napakahalaga lalo na sa mga unipormadong humahawak ng baril o sandatang ang pakay ay magbigay proteksiyon pero nakamamatay.

Ito Ang Totoo: kasama sa mga dapat displinado, responsable at mapagkakatiwalaan ang mga Army Reservist.

Pero rito sa Olongapo, ang Army Reserve Command ay malaking kahihiyan sa hanay ng mga sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ang mga army reservist ay may kampo sa bakuran ng East Tapinac Sports Complex kung saan nakikita ang mga hinalipak na malimit nag-iinuman ng alak habang nagyayabangan ng kanya-kanyang baril, maiksi o mahaba.

Ganito na rin ang kanilang gawi noong sila’y nagkakampo pa sa may Gordon College, sa East Tapinac din.

Isinusuka na ang mga Army Reservists na ito ng mga residenteng nabubulahaw,  natatakot at nasasagwaan sa asal ng mga hinalipak.

Noong Abril ng taong ito, isang anim (6) na taong gulang na batang lalaki ang namatay sa .45 cal. pistol ng reservist na si Jay de Silva, 35, habang nakikipag-inuman sa isang bahay sa East Tapinac pa rin.

Ang masaklap nito, ang pinaka-Commander ng Army Reserve Command dito ay si Olongapo Mayor Bong Gordon na reservist at may ranggong Lt. Col.

Kunsintidor si Lt. Col. sa pagkairesponsable ng mga  Reservist na nakatalaga sa  lungsod dahil nagagamit niya ito sa maraming paraan, opisyal o personal.

Mukhang tanga nga ang mga ito tuwing Pasko na pinag-uuniporme ni LT Col at saka pinapipila sa Olongapo City Hall para bigyan ng regalong P500 lang bawat isa kaya tuloy pakiramdam ng mga ito at pinangangatawanan na, na mga wala silang kwenta at butaw-butaw talaga.

Para sa kapakanan ng mamamayan ng Olongapo at para hindi tuluyang masira ang imahe ng Army Reserve Command, dapat aksiyunan na ng pamunuan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang nakahihiyang kalagayan nito sa lungsod ng Olongapo.

Hindi porke meyor ay pwede nang mamuno sa napaka-halagang unit ng sandatahang lakas gaya ng masamang halimbawang ipinakita at patuloy na ipinakikita ni Lt. Col. Ito Ang Totoo!

***
Abangan sa susunod ang update sa pambababoy ng Glenn Defense Marine Asia sa Subic Bay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply