Nakakakanser na Korean noodles, nasa merkado pa – Ecowaste

IPINAGBIBILI pa rin umano sa bansa ang mga Korean noodles na ipinabawi na ng Korean Food and Drugs Administration (FDA) sa kanilang bansa matapos na matuklasang nagiging sanhi ito ng sakit na cancer.

Ito ang ibinunyag kahapon ng toxic watchdog na EcoWaste Coalition matapos na makabili ng mga naturang cancer-causing Korean noodles nitong Sabado (Oktubre 27) sa ilang Korean store sa Quezon City at Makati City.

Ayon kay Aileen Lucero, ng Project Protect ng EcoWaste Coalition, una nang ipinabawi ng Korean FDA noong Oktubre 25 pa ang siyam na Korean noodles sa kanilang bansa matapos na lumitaw sa pag-aaral na ang mga ito ay nagtataglay ng benzopyrene, na isang carcinogenic o nagdudulot ng cancer.

Gayunman, anim aniya sa naturang siyam na noodles na kinabibilangan ng Nongshim’s Mild Neoguri, Spicy Neoguri, Neoguri Cup Noodles, Saewootang Cup Noodles (large) at Seng Seng Udong, ay patuloy pa ring itinitinda sa bansa hanggang nitong Sabado.

Bagamat sa ilang Korean stores sa Quezon City at Makati City lamang sila bumili ng mga noodles, sinabi ni Lucero na hindi nila tiyak kung may mabibili ring mga naturang banned na pagkain sa iba pang Korean Store sa ibang lugar.

Umaasa naman ang grupo na mismong ang mga Korean dealer na sa Pilipinas ang magkusang mag-alis ng mga nakaka-cancer na produkto upang hindi na makapambiktima pa.

“Bago lang po siyang recall, within the week. Kaso nung Satuday, meron pa rin siya dito. Ang ine-expect sana namin after the recall ng Korea, yung mga Korean na seller natin dito, dahil siyempre sila rin yung may direktang access sa Korean FDA nila, mag-voluntary pull-out na ng kanilang tinda kasi ni-recall na naman ng kanilang Korean FDA,” ayon kay Lucero.

Umapela rin si Lucero sa malalaking supermarket sa bansa na sila na mismo nag magtanggal ng mga naturang noodles sa kanilang mga shelves upang hindi na ito mabili pa ng publiko, na tiyak aniyang siyang malalagay ang kalusugan sa peligro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply