Nakalulungkot

NAKALULUNGKOT na dumating na sa bastusan ang tunggalian ng Akbayan at ng pulahang Anakbayan.

Malinaw na walang modo ang mga batang komunistang nanggulo sa press conference ng Akbayan kamakailan na kahit na magtago sila sa lilim ng kalayaan sa pamamahayag ay mangangalingasaw ang kanilang kabastusan.

Aba kung ito ang magiging lider ng bansa sa hinaharap ay hindi malayong matulad tayo sa Cambodia sa panahon ng paghahari ng mga Khmer Rogues.

Tiyak na magiging bagong killing fields ang Pilipinas kung ganitong uri ng mga lider ang hahawak ng renda.

* * *

Grabe naman itong si Lucy Liu, isang artista sa United States, na nagsabing ayaw niyang magmukhang katulad ng mga “little Filipino.”

Hindi ko alam kung ano ang nagbunsod sa babaeng ito para laitin niya ang ating lahi pero may suspetsa ako na ito ay dahil sa stereotype na tayong mga Pilipino ay lahi ng mga alila at puta.

Iyan kasi ang nakikita ng mga mangmang na dayuhan sa atin bagamat masasabi ko na may malaking papel ang ating pamahalaan sa ganitong pananaw tungkol sa atin.

Sa pagsusulong ng programa na nagbibigay diin sa pagluluwas ng lakas paggawa (labor export) sa buong daigdig ay hindi natin masisisi na ganito ang iisipin ng mga dayuhan tungkol sa atin.

Kahit sa saan sulok ng mundo ang karamihang makikitang gawain ng ating mga ababayan ay yung mga gawaing mababa ang kalidad at ayaw patulan ng mga mamamayan sa host country.

Aba kung hindi domestic helper at laborer ay taga-tiktik ng kalawang ang mga trabahong binabagsakan ng mayorya sa ating mga kababayan na nangingibang bayan.

Oo nga’t marangal ang mga trabahong ito pero hindi natin maitatanggi na ito na yung pinakamababang antas ng gawain na laging inaapi at inaaglahi.

Tutuong nakakababa ng tingin ang ganitong mga gwain. Bakit kasi hindi mga space engineer o managers ang ineexport natin tulad ng ginagawa na ngayon ng China at India?

Malinaw kasi sa mga bansang ito na tapos na ang panahon ng pang-aalipin sa kanila ng mundo….parang ito naman ang panahon para sa atin ngayon.

* * *

Para sa mga nalululong sa Gangnam style ni Korean singer Psy ay wala pong kinalaman ito sa mga gangs.

Ang Gangnam ay isang lugar na mayaman at makabago sa South Korea…parang Fifth Avenue sa New York, Ginza sa Japan o Ayala sa Makati.

Ito ay nagpapakita na kung gaano kaunlad ang South Korea mula ng magkaroon ng Korean War. Sampal ito sa atin sapagkat ditto ay kitang kita kung gaano tayo ka kulelat.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Tawagan ninyo si Gene Lorenzo sa 09063555560 para sa karagdagang impormasyon.

* * *

Para sa mga gustong mag-iwan ng puna bisitahin ninyo ang www.facebook.com/tagapaglingkod

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply