Nakapatay sa among Intsik, nakonsensiya, sumuko

KONSENSIYA at takot na may masamang mangyari ang naging dahilan upang sumuko sa mga pulis ang empleyadong nakapatay sa among babaeng Intsik sa Caloocan City kamakailan.

Kinilala ni Senior Supt. Rimas Calixto ang suspek na si Janny Tabla, alyas Jaja, 34, empleyado ng Serie Marketing Corporation sa Tirona St., Bagong Barrio ng lungsod.

Lumalabas na noong Oktubre 6, 2012, dakong alas-5:50 ng hapon, pinasok ng suspek ang among si Terry Sy, 49 sa tinutuluyan sa nasabing lugar upang bumale ng P3,000 upang ipadala sa amang may sakit sa probinsiya.

Hindi pinabale ng biktima ang suspek dahilan kaya nagdilim ang paningin ng suspek hanggang sa makakuha ng kutsilyo at tarakan sa tiyan at batok ang amo.

Matapos ang insidente ay kinuha ng suspek ang P10,000 ng biktima bago tumakas at dumaan sa bubong nang makapagpalit na ng damit.

Sa isinagawang imbestigasyon, nakuha ang t-shirt na pinagpalitan ng suspek na may tatak na Jaja na naging dahilan upang hanapin ang suspek na nagtago sa Bicol.

Dahil alam na pinaghahanap na mga pulis, natakot ang suspek na baka may masama pang mangyari kung patuloy na magtatago at dahil nakonsensiya ay sumuko sa mga pulis kaninang umaga subalit itinanggi na kinuha niya ang pera ng amo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply