Nakawan ng motorsiklo sa Kabacan, N. Cotabato, tututukan

KORONADAL – Tututukan ng lokal na pamahalaan ng Kabacan, North Cotabato sa pangunguna ng Kabacan Philippine National Police ang tumataas na insidente ng nakawan ng mga motorsiklo sa naturang bayan.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng pulisya ang mga may-ari ng motorsiklo na mag-ingat at maging listo sa muling paglipana ng mga magnanakaw.

Nabatid na nitong Sabado lamang, isang panibagong kaso ng motorcycle theft na naman ang naitala kung saan natangay ang XRM motorcycle na pagmamay-ari ni Renante Layas ng Barangay Bangilan, Kabacan.

Batay sa report ng Kabacan PNP, mahigit kumulang limang kaso ng nakawan ng motorsiklo na ang naitala ngayong buwan lamang.

Samantala, patuloy naman sa pagpapaigting ang grupo ng kapulisan sa nabanggit na bayan sa pamumuno ni P/Insp. Tirso Pascual sa kanilang kampanya kontra carnapping at mga iligal na gawain sa bayan ng Kabacan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply