Nambiktima ng menor-de-edad arestado

TAGUIG City – ISANG notorious na kawatan ang dinampot ng mga elemento ng Barangay Security Force pagkaraang ituro ng isang menor de edad na lumimas ng kanyang personal na kagamitan habang naglalakad sa Barangay South Daang Hari, Taguig City noong Sabado ng gabi.

Kinilala nina BSF members Cornelio Peñalosa at Rey Michael Segunda ang kanilang isinuko sa PCP 3-Tanyag na si Michael D. Javier, 24, walang trabaho at nakatira sa Purok 6B, Brgy. South Daang Hari, naturang lungsod.

Ayon sa pagsisiyasat ng awtoridad, dakong alas 9:20 ng gabi nang harangin ng armadong suspek ang biktima na itinago sa pangalang Edgar.

Habang nililimas ng salarin ang personal na kagamitan ng biktima ay nagkaroon ito ng pagkakataon na makatakbo hanggang sa makahingi ng tulong mula sa mga nagpapatrolyang BSF na mabilis namang gumawa ng hakbang upang mahuli ang kawatan.

Bukod sa mga nabawing personal na kagamitan na tinangay ni Javier ay nasamsaman din ito ng isang improvised gun.

Nahaharap sa kasong robbery at illegal possession of firearms ang salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply